November 15, 2012

Ang Alamat ng 'Lost and Found'

Photo from Google.com
Nagtataka lang ako bakit may mga ‘Lost And Found’?

May logical explanation ba dun? Di ko alam...

Marahil kaya 'Lost And Found' ang tawag sa 'lost and found' ay dahil napag ha-hanapan siya at mapagkukuhanan din ng gamit. Pero, para sa’kin, mali talaga eh! Ewan ko lang ha, ang labo talaga eh…

Parang kasing ganito… Nawala ang gamit mo pero nahanap din nila agad? Sa parehong lugar at oras pa?

Tingin ko, dapat Lost But Found, eh. Nawala ang gamit mo pero nahanap nila, ‘di ba?

Ayun lang naman talaga 'yun, sa pananaw ko lang.

***

Pero ganun nga siguro ang lohika at takbo ng mundo: may mga bagay na mali, pero para sa karamihan ay tama dahil matagal nang gawain o ginagawa.

Ehem!

Mabuti sana kung ganun lang... Kaso, nakakagulat lang na, ngayon, kahit ano pang bagong phenomenon ‘yan! Basta uso o ginagawa ng karamihan, gagayahin at gagawin na din ng iba ‘yan.

***

Sa pananaw ko, nararapat sigurong bago tayo gumawa, gumaya at maniwala sa isang bagay, ay siguraduhin nating kalikip ito na malamin na kaisipan at pag intindi.

Ang sangkap na na mayroon tayo nguni’t ‘di natin naihahalo sa pagluto;

At ang sikretong na hindi sikreto sa ating lahat.


PANG UNAWA.

No comments:

Post a Comment