October 21, 2012

Up, Up and Away

Unang pahayag, ay usapang pisikal upang patunayan na ungas pala ang ulong pinuno ng mga umasang panauhin.

Kung siguro ay wala lang akong pang-intindi at hindi ka lang nakatatanda ay na-yupi ko na ang pag mumukha mo.

Tinupi sa tatlo at kinaskas sa bato ang bunganga mo, hanggang matahimik 'to. Hampas-hampasin ng electric guitar ang buong katawan, 'di patatawarin kahit na talampakan. Putulin ang ulo, at ipakain sa aso mga durog-durog mong buto.

At kahit 'di mo pinahahalata, alam kong you fear everything and everyone that surrounds you.

Dahil takot ka, takot kang harapin ang katotohanan. Takot kang malaman na 'di mo napunan ang 'yong mga pag ku-kulang sa lugar na iyong pinanggalingan.

Ang pangarap sa pinag-aralan mo kasi'y di naarok, ang lipad ay gaya lamang ng sa manok. Mababa at ang kaya lang ay pumagpag ng alikabok.

'Yung pinapakita mo ngayon, e repleksyon lang ng 'yong pagkakabigo. Sa mga galaw mo, kita ko noon ika'y nagdurugo.

Maaari ngang sabihin mo sa sulat kong 'to na ika’y nahusgahan, nguni't sinasabi ko ang mga bagay na 'to para ang kaisipan mo'y maliwanagan... Na hindi dahil 'di mo naabot ang mga mithiin mo ay sapat na dahilan na ito upang pigilan ang sino man na makamit ang mga pangarap nila.
Takot ka kasing malampasan ng sino man kaya kahit pa 'yong mga kaibigan iyong pinipigilan.

Bakit hindi ka na lang mag-bago? Maging instrumento para matuto ang mga tao.

Sa patuloy mong pag papagawa ng mga bagay na ikaw lang ang may gusto. PAMIMILIT.

Ipag-yabang ang mga bagay na nagawa, lalo na ang mga hindi pa man din nagagawa. PANG MAMALIIT.

Kontrolin at paikutin ang mga tao sa paligid mo? PANANAKIT.

'Di mo ba naisip na sarili mo lang ang niloloko mo?

Ang payo ko lang, kaibigan... E, baguhin mo ang pananaw mo sa buhay. Plain black lang ang pamumuhay mo, ba't 'di mo lagyan ng kulay. Imbis na humadlang ka e bakit hindi ka um-alalay.

Hindi pa naman huli ang lahat, kaibigan. Bumangon kang muli at magkaron ng bagong paninidigan.

No comments:

Post a Comment