“Live life to express, not to impress” — Wow, ingles! Hindi kalaliman at madaling maintindihan, ipag-yabang na kaagad at ipangaral sa kaibigan!
“Kung may tiyaga may nilaga” — Sangkap siguro ang tiyaga, minsan hinahanap ko ‘to. Ah, basta! Ang alam ko, puwede na din magkaron ng nilaga gamit ang Magic Sarap/Nam nam!
“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?” — ‘Di lang naman kabayo ang nagda-damo; pati nga baka, kalabaw, kambing, etc. Minsan, mas in demand pa nga ang damo sa mga TAO.
“Matutong mamaluktot kung maikli ang kumot” — Oo, na-try ko na ‘to, buti na lang at natuto ako. Sila Mahal at Mura kaya, nasubukang gawin ‘to?
“Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin” — Bagay ‘to sa mga pagkain ah. ‘Pag nag-tanim ba ko ng itlog sa bakuran o halamanan naming, tutubo ‘yun? Para naman libre breakfast namin. Pag effective, magta-tanim na din ako ng hotdog at kung ano-ano pang pagkain.
“Kahit saang gubat, ay mayruong ahas” — ‘Di ako naniniwala, may gubat akong nakita nu’ng naghahanap patungo ako sa isang kuweba, mga garapata ang nakita ko!
“Kung ano ang puno, siya rin ang bunga” —Wala pa naman akong nakitang coconut tree na ang bunga e coconut tree din. So far, coconut pa lang.
“Kung may isinuksok, may dudukutin” —Paano ‘yung mga ATM cards na bumara at ‘di na makuha? ‘Di ba, binubuksan pa ‘yung makina mismo para makuha. Maaari bang madukot ‘yun? #TanongLang
“Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit” — Sobrang applicable sa panahon natin ‘to ngayon. Pero seryoso, sana maisip din natin na pag kumapit ang tao sa matalim, kalakip nun ang posibilidad na masugatan at masaktan din siya. ‘Di biro ito! (TO BE CONTINUED—'Pag sinipag ako. Hehehe)
No comments:
Post a Comment