September 14, 2012

Paunang Dugo--Nose Bleed


Ito ang aking pinaka-unang BLOG na gagawin para sa blagsayt na ito. Sa totoo lang, wala ako ideya kung ano nga ba talaga ang mayroon sa pagba-blog, but since my friends told me that this will enhance my writing skills, naisipan kong subukan.

Bibigyan ko ng isang buwan ang aking sarili at ang blogsite na ito kung may magkakaroon nga ba ng pagbabago o improvement ang aking pagsusulat.

At kung magkakaroon man nga ng improvement, eh 'di, maganda! 

Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa mga ganito-ganito, nasa tao na 'yan kung gusto niya talagang matuto.

Pero eto, ha, isa lang ang pinaniniwalaan ko, totoo at mabuti ang DIYOS, dahil sa kanya nanggaling ang lahat ng natutunan ko at sa kanya din manggagaling ang mga matututunan ko sa mga darating pag panahon.

Ayun lamang sa ngayon.


P.S.
Pinilit kong mag-ingles, nag dugo ang ilong ko--kaya ganito ang title ng blog na 'to.



No comments:

Post a Comment